Mai-install ang mga Flatpak application sa ChromeOS gamit ang Crostini Linux compatibility layer. Hindi ito available para sa lahat ng mga ChromeOS device, kaya kailangan mong siguraduhin na compatible ang iyong device bago magpatuloy. Ang listahan ng mga compatible na device ay pinapanatili dito.
Pumunta sa chrome://os-settings, at mag-scroll pababa sa Mga Developer at buksan ang Linux Development Environment. Maaring magtagal ang ChromeOS sa pag-download at pag-install ng Linux.
Buksan ang Search/Launcher key, i-type ang "Terminal", at buksan ang Terminal app.
Para i-install ang Flatpak, patakbuhin ang sumusunod sa terminal:
Ang Flathub ang pinakamagandang lugar para makakuha ng mga Flatpak app. Para i-enable ito, patakbuhin ang:
Para tapusin ang setup, i-restart ang Linux. Maari mo ito gawin sa pamamagitan ng pag-right click ng Terminal, at i-click ang "I-shut down ang Linux". Ang kailangan mo na kang gawin ay mag-install ng mga app!