Mga Kart, Nitro, Aksyon! Ang SuperTuxKart ay isang 3D at open-source na arcade racer na may iba't ibang character, track, at modes na laruin. Ang aming layunin ay lumikha ng isang laro na mas masaya kaysa makatotohanan, at magbigay ng kasiya-siyang karanasan para sa lahat ng edad.
Mayroon kaming ilang track na may iba't ibang tema para sa mga manlalaro upang tamasahin, mula sa pagmaneho sa tubig, rural farmlands, jungles, o kahit naman sa space! Subukan ang iyong makakaya habang umiiwas sa iba pang mga kart dahil maaring maabutan ka nila, ngunit huwag kainin ang mga saging! Tumingin para sa mga bowling ball, mga plunger, bubble gum, at cake na ibinato ng iyong mga kalaban.
Maari kang gumawa ng isang karera laban sa ibang mga kart, makipagkumpetensya sa isa sa maraming Grand Prix, subukang talunin ang mga high score sa mga pagsubok sa oras o mag-isa. maglaro ng battle mode laban sa computer or sa iyong mga kaibigan, at higit pa! Para sa mas malaking hamon, sumali online at makilala ang mga manlalaro mula sa buong mundo at patunayan ang iyong driving skills!